Retiradong pulis patay sa pamamaril sa Argao, Cebu

By Len Montaño September 20, 2019 - 01:40 AM

Contributed photo

Patay sa pamamaril ng riding in tandem ang isang retiradong pulis sa Argao, Cebu araw ng Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Retired Police Senior Master Sergeant Jesus Rudston Villahermosa, 56 anyos.

Hindi na ito umabot ng buhay sa Isidro C. Kintanar Memorial Hospital.

Nangyari ang pamamaril nang pauwi na ang dating pulis habang nagmamaneho ng motorsiklo at sakay ang kaibigan na si Robert Parane.

Sinusundan ng dalawang suspek ang motorsiklo ng retiradong pulis at sakay nito at pagdating sa national highway sa Barangay Balisong ay nagkatabi ang dalawang sasakyan at doon na binaril ang biktima.

Ayon kay Parene, mabilis ang pangyayari kaya hindi niya namukhaan ang mga suspek o nakuha ang plaka ng motorsiklo.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng .45 caliber na baril.

Dating nakatalaga si Villahermosa sa Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) bago ang kanyang retirement.

Patuloy ang imbestigasyon sa pagka-kilanlan ng mga suspects at motibo sa krimen.

 

TAGS: argao, cebu, dead on arrival, patay sa pamamaril, retiradong pulis, riding in tandem, argao, cebu, dead on arrival, patay sa pamamaril, retiradong pulis, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.