197 convicts na napalaya sa GCTA law hindi sumunod sa deadline na sumuko na
Tapos na ang 15 araw na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte pero nasa 197 na convicts na napalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA) law ang hindi pa rin sumuko.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), hanggang alas 11:00 Huwebes ng gabi o isang oras bago mapaso ang deadline, humabol pang sumuko ang nasa 52 convicts.
Dahil dito ay umabot sa kabuuang 1,717 mula sa 1,914 na convicts ang sumuko bago matapos ang ultimatum ng pangulo.
Sa naturang bilang, tinatayang 500 convicts ang balik-kulungan na sa Bilibid sa Muntinlupa City.
Habang ang iba pang convicts ay sumuko sa iba’t ibang istasyon ng pulisya sa buong bansa.
Pinasuko ng pangulo ang mga convicts para muling ma-compute ang kanilang time allowances.
Una nang sinabi ng otoridad na pugante na ang turing sa hindi sumukong convicts at sila ay aarestuhin sa pamamagitan ng warrantless arrest.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.