Duterte: Lupa ng agrarian reform beneficiaries hindi pwedeng ibenta
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na labag sa batas ang pagbebenta ng lupa na ibinigay sa mga beneficiaries alinsunod sa agrarian reform program ng gobyerno.
Sa kanyang talumpati sa Capiz Huwebes ng gabi, sinabi ng pangulo na hindi niya kikilalanin ang pagbebenta ng lupa na ipinamahagi sa ilalim ng naturang programa.
“Kung sabihin mo binili mo ulit e mahirap ‘yung tao eh, maybe for the first time in his life (he) got hold of so much money eh iilan lang ‘yan. And when it is gone, either dissipated intentionally or sa mga gastos sa buhay, wala silang mabalikan,” ani Duterte.
Isa ang programa sa land reform sa mga pangunahing hakbang ng gobyerno para tugunan ng problema sa mga rebeldeng komunista sa bansa.
Tiniyak naman ng pangulo ang proteksyon ng mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan.
Dagdag ng pangulo, bukas siyang armasan ang mga rebel returnees panlaban sa harassment ng mga hindi pa sumusukong rebelde.
Samantala, hinimok ni Duterte si Agrarian Reform Secretary John Castriociones na bilisan ang proseso ng land reform para agad maibigay ang mga titulo ng lupa sa mga beneficiaries.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.