3 miyembro ng ISIS-linked group arestado sa Lanao del Sur

By Angellic Jordan September 19, 2019 - 11:58 PM

File photo

Timbog ang tatlong miyembro ng Islamic State-linked group sa engkwentro sa Piagapo, Lanao del Sur Miyerkules ng gabi.

Naganap ang palitan ng putok ng baril sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at teroristang grupo sa bahagi ng Barangay Paridi.

Nakilala ang mga terorista na sina Janla Tangolo, 20 anyos; Arapat Tangolo, 22 anyos; at Kamarudin Sultan, 20 anyos.

Ayon kay Brig. Gen. Romeo Brawner Jr., commander ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, sumiklab ang bakbakan matapos iulat ng mga residente sa lugar ang presensya ng teroristang grupo.

Nakuha sa mga terorista ang dalawang M14 at Bushmaster 5.56 na assault rifle, isang caliber 38 na baril, ilang magazine at bala.

 

TAGS: 3 miyembro, arestado, bakbakan, Brig. Gen. Romeo Brawner Jr., enkwentro, ISIS-linked group, Lanao Del Sur, terorista, 3 miyembro, arestado, bakbakan, Brig. Gen. Romeo Brawner Jr., enkwentro, ISIS-linked group, Lanao Del Sur, terorista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.