Lt. Gen. Noel Clement ng Centcom, bagong AFP chief of staff
Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mayroon nang naitalaga si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Lorenzana, si Lt. Gen. Noel Clement ang susunod na AFP chief of staff kapalit ni Gen. Benjamin Madringal Jr. na magreretiro na sa susunod na linggo dahil sa mandatory retirement na 56 anyos.
“Meron nang lumabas — si Noel Clement. We are awaiting formal docs from the Palace,” pahayag ni Lorenzana sa INQUIRER.net araw ng Huwebes.
Isa pang source na malapit na pangulo ang nagkumpirma rin ng appointment ni Clement na kasalukuyang commander ng Central Command (Centcom) na naka-base sa Cebu.
Bago sa Centcom ay naging pinuno si Clement ng 10th Infantry Division ng Philippine Army na namumuno sa bahagi ng Soccsksargen at Davao region na hometown ng pangulo.
Isa si Clement sa mga opisyal ng militar na isinangkot sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos noong 2007 pero inabswelto rin ito kalaunan.
Si Clement ay mula sa “Sandiwa” Class of 1985 ng Philippine Military Academy (PMA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.