PDEA ipapanukala ang satellite office sa BuCor at drug test sa Bilibid inmates

Plano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makipagpulong kay bagong Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nais niyang matalakay kay Bantag ang panukalang pagbabalik ng satellite office ng ahensiya sa BuCor at pagsasagawa ng drug testing sa mga preso sa New Bilibid Prison (NBP).

Natanggal kasi aniya ang satellite office ng PDEA sa Bucor noong panahon ni dating BuCor chief at ngayon ay Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Matatandaang isiniwalat ni Aquino sa pagdinig sa Senado ukol sa pondo ng PDEA para sa 2020 na nagkakaroon pa rin ng ilegal na transaksyon ng droga sa loob ng Bilibid.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bantag bilang kapalit ng sinibak na si Nicanor Faeldon dahil sa isyu sa GCTA law.

 

Read more...