Heavy Rainfall Warning nakataas sa Zambales at Bataan
Pinayuhan ng Pagasa ang mga residente sa Zambales at Bataan ng posibleng pagbaha lalo na sa mababang lugar at malalapit sa ilog.
Sa Heavy Rainfall Warning No. 2 na inilabas alas 11:00 Huwebes ng gabi, nakataas ang Yellow Warning sa dalawang lalawigan.
Dahil dito ay may peligro ng pagbaha sa mga bahaing lugar.
Samantala, mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang asahan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Inabisuhan ng Pagasa ang publiko at kaukulang Disaster Risk Reduction and Management Offices na magmonitor ng lagay ng panahon at antabayanan ang susunod na weather advisory.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.