Korte Suprema pinadedeklara sa Comelec ang kinatawan ng 1st district ng South Cotabato

By Noel Talacay September 19, 2019 - 11:08 PM

INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Ipinag-utos ng Korte Suprema sa Commission on Elections (Comelec) na bumuo ng special provincial board of canvassers para mai-deklarang panalo bilang congresswoman si Shirlyn Banyas Nograles para sa unang distrito ng South Cotabato.

Ito ay kasunod ng pagpabor ng mga mahistrado sa petisyon ni Nograles na ibasura ang resolusyon ng Comelec.

Sa resolusyon ng Comelec, sinuspindi ang halalan noong Mayo 13, 2019 para sa kinatawan ng unang distrito ng lalawigan.

Nakasaad din sa resolusyon na magtakda ng special elections sa first district ng South Cotabato at lone district ng General Santos City dahil sa Republic Act 11243 na naghihiwalay sa General Santos City bilang bahagi ng unang distrito ng South Cotabato.

Ang nasabing resolusyon ng Comelec ay idineklara ng Korte Suprema na null and void.

Ayon sa mga mahistrado, Mayo 2022 ang gagawing pagpili ng magkahiwalay na kinatawan para sa lone district ng General Santos City at sa 1st district ng South Cotabato.

Matatandaan na nakakuha ng pinakamataas na boto si Nograles noong halalan para maging kinatawan ng lumang unang distrito ng South Cotabato.

Maliban kay Justice Ramon Paul Hernando na nasa official business, 13 mahistrado ang sumang-ayon sa desisyon.

 

TAGS: 1st district, comelec, kinatawan, korte suprema, pinadedeklara, Rep. Shirlyn Banyas Nograles, Republic Act 11243, resolusyon, South Cotabato, 1st district, comelec, kinatawan, korte suprema, pinadedeklara, Rep. Shirlyn Banyas Nograles, Republic Act 11243, resolusyon, South Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.