WATCH: Talumpati ni Duterte naistorbo dahil sa tunog ng tuko

Screengrab of RTVM video

Matapos maistorbo ng ipis at langaw, tunog naman ng tuko ngayon ang pansamantalang nagpahinto sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Habang nagsasalita sa decommissioning of arms and forces of revolutionary groups sa Capiz Huwebes ng gabi, napatigil ang pangulo nang marinig ang malakas na tunog ng tuko.

Sa gitna ng sinasabi ng pangulo patungkol sa mga human rights advocates na pumupuna sa war on drugs ng gobyerno, napalingon si Duterte sa pinanggalingan ng tunog ng tuko.

Pabirong sinabi ng pangulo na siguro ay isang opisyal ang nagdala ng tuko sa lugar.

Matatandaan na naistorbo na dati sa kanyang talumpati ang pangulo nang gapangan ito ng ipis sa campaign rally sa Bohol.

Ayon kay Duterte, tiyak siyang liberal ang ipis dahil klaro anya sa likod.

Sumunod dito noong July 30 habang nagsasalita patungkol sa mga paring Katoliko sa Taguig City ay may dumapong langaw sa noo nito.

Binugaw ng pangulo ang langaw at pabirong sinabi na mga pari ang nagpadala sa naturang insekto.

Read more...