Panukalang 2020 national budget susubukan ng Kamara na maipasa bukas
Susubukan ng Kamara na ipasa bukas sa third and final reading ang panukalang P4.1 Trillion 2020 national budget.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab, dahil sa pag-certify ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent ang 2020 budget hindi na kakailanganin ang magkahiwalay na araw para ito aprubahan sa 2nd at 3rd reading.
Nagpapasalamat anya ang kamara sa pangulo sa hakbang ng pangulo na sertipikahang urgent ang panukalang pondo.
Sinabi nito na ang pagpasa sa budget sa oras ay mahalaga upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Sinabi naman ni Deputy Speaker Raneo Abu, ang pagpasa sa 2020 National Budget ay pangako ng kamara kay Pangulong Duterte at sa sambayanang Pilipino para sa mas komportableng pamumuhay ng mga Filipino.
Paliwanag ni Abu, ang 2020 budget ay magpapa angat sa kondisyon lalo na ng mga mahihirap sa buong bansa at masisiguro ang pagkakaroon ng sustainable economic growth performance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.