Magat Dam magpapakawala ng tubig dahil sa bagyong Nimfa
Pinag-iingat sa posibleng pagtaas ng tubig sa ilog ang mga residente na naninirahan sa low lying areas sa Isabela at Cagayan.
Magpapakawala kasi ng tubig ang Magat dam anumang oras ayon sa abiso ng National Irrigation Administration (NIA).
Tumaas ang water level sa Magat dam dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng Bagyong Nimfa.
Ayon sa abiso ng NIA, aabot sa 200 cubic meter per second ang ilalabas na tubig ng Magat dam.
Lagpas na kasi ito sa spilling level na 190 meters dahil umabot na sa 191.24 meters ang water level ng dam.
Pinayuhan naman ng Cagayan Public Information Office ang mga residente na iwasan muna ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog.
Pinadadala din ang mga gamit at alagang hayop sa ligtas o mas mataas na lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.