Oil companies pinagpapaliwanag sa presyo ng kanilang mga produkto

By Erwin Aguilon September 19, 2019 - 03:25 PM

Inquirer file photo

Humihingi ng patunay si House Ways and Means Committee chairman at Albay Rep. Joey Salceda sa mga kumpanya na mas mahal ngayon ang langis na nasa kanilang imbentaryo.

Ayon kay Salceda, kapag napatunayang murang langis pa ang ibinenta ng oil companies nang sila ay nagpatupad ng bigtime oil price hike, matatawag itong profiteering.

Iginiit ng kongresista na bumabalik na sa normal ang presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Kinuwestyon din ni Salceda ang mga opisyal ng Department of Energy sa anunsyong posibleng suspindihin ang excise tax sa langis na lalo lamang aniyang nakadaragdag sa pagpa-panic kasunod ng drone attack sa oil facility sa Saudi Arabia.

Iginiit nito, ginagawa aniya ng gobyerno ang lahat ng paraan na mapanatiling sapat ang suplay ng langis at matatag ang presyo ng petrolyo sa bansa.

TAGS: BUsiness, DOE, gasoline, oil price hike, salceda, BUsiness, DOE, gasoline, oil price hike, salceda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.