Dalawang preso na nakalaya dahil sa GCTA law sumuko sa Laguna at Batangas
Bago tuluyang matapos ang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte dalawa pang convicts sa heinous crime ang sumuko sa mga otoridad sa Laguna at Batangas.
Isang nahatulan sa kasong murder ang sumuko sa police station sa Mabitac, Laguna.
Nagtungo muna ang naturang preso sa chairman ng barangay sa Lucong upang samahan siya sa mga pulis.
Ang naturang preso ay nakalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance noong Dec. 9, 2016.
Samantala, sa Batangas naman, kusa ding sumuko ang isa pang nahatulan sa kaso namang homicide.
Sinamahan ang preso ni Barnagay San Jose Chairman Nemesio Cailao para sumuko sa Sto. Tomas City police.
Ang preso ay nakalaya noong May 9, 2019 dahil din sa GCTA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.