Resolution inihain sa Senado para sa natatanging pagkilala kay Letty Jimenez-Magsanoc

By Den Macaranas January 06, 2016 - 08:55 PM

LJM-1224
Inquirer file photo

Isang Senate Resolution ang inihain ngayong araw na nagbibigay ng pagkilala sa namayapang Editor-in-Chief ng Philippine Daily Inquirer na si Letty Jimenez-Magsanoc.

Sa kanyang Senate Resolution number 1701, sinabi ni Sen. Loren Legarda na marapat lamang kilalanin ang sambayanan ang naging kontribusyon ni Magsanoc sa katatagan ng Press Freedom sa bansa.

Nagsimula bilang mamamahayag kahit siya’y senior collage student pa lamang noon ng St. Theresa’s College ay kinakitaan na ng angking talino sa pamamahayag si Magsanoc.

Nagpatuloy ang kanyang pagsusulong sa kalayaan sa pamamahayag nang siya’y maging bahagi noon ng Sunday Edition ng Times Magazine.

Naging editor si Magsanoc ng iba’t ibang mga pahayagan at magazines na kinabibilangan ng Mr. and Ms Special Edition, Manila Bulletin, Panorama at Sunday Inquirer.

Taong 1985 ng siya maging Associate Editor ng PDI at noong 1991 ay nahirang siya bilang Editor-in-Chief ng pahayagan hanggang sa kanyang kamatayan noong December 24 2015.

Sinabi ni Legarda na hindi matatawaran ang kanyang mga nakuhang pagkilala sa loob at labas ng bansa kabilang na dito ang paghirang sa kanya bilang bahagi ng Ten Outstanding Women in the Nation’s Service (TOWNS) noong 1985.

Si LJM ay tinawag din ni dating Pangulong Fidel Ramos bilang isa sa mga tunay na icon ng People Power 1 kung saan nanindigan siya laban sa diktadurya.

Nakasaad din sa Senate Resolution ang pagkilala sa liflong commitment ni Magsanoc sa journalistic excellence at integrity ng media industry sa bansa.

TAGS: Legarda, LJM, PDI, senate, Legarda, LJM, PDI, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.