Super-concert ng K-Pop artists sa Sept. 21 sa Philippine Arena hindi na matutuloy
Hindi na matutuloy ang concert sa bansa ng ilang K-pop artist na nakatakda ngayong Setyembre.
Sa Facebook page ng Rainbows in Asia Music Festival’s (RAMF), nag-post ng video ang Korean promoter para sabihin na postponed ang concert.
Ang concert na may pamagat na “2019 K-pop Super Concert” ay naka-schedule sa September 21 sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan.
Hindi naman nagbigay ng detalye kung kailan itutuloy ang nasabing concert.
Kabilang sa nakatakdang mag-perform ang boy group na Winner, AB61X, MAMAMOO at ang OH MY GIRL.
Kasama din sa concert ang dating miyembro ng 2NE1 na si Park Bom at ang Fil-Am K-pop artist na si Kriesha Chu.
Pinapayuhan ang mga nakabili na ng ticket na makipag-ugnayan sa Ticketworld.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.