BuCor officer inaming nag-text siya sa isang testigo hinggil sa “GCTA for sale”

By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2019 - 12:27 PM

Inamin sa senado ni Bureau of Corrections (BuCor) Officer 3 Veronica Buño na nagpadala siya ng mensahe sa sa testigong si Yolanda Camilon.

Si Camilon ang nagsabing nagbayad siya ng P50,000 para mapalaya ng maaga ang kaniyang asawa na nakakulong sa New Bilibid Prison.

Sa muling pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate justice and human rights committee hinggil sa good conduct time allowance (GCTA) law, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran na base sa kanilang imbestigasyon ay lumitaw na nagkaroon ng palitan ng text message sina Camilon at Buño noong February 21, 2019.

Si Buño ay kabilang sa idinadawit sa “GCTA-for-sale” scheme sa Bilibid.

Noong nakaraang linggo sa isinagawang pagdinig ay todo-tanggi si Buño na sangkot siya sa anomalya.

Pero matapos ipresenta ni Gierran ang report ng NBI sa senado at umamin din si Buño na nagpadala siya ng mensahe kay Camilon.

Dumalo din sa pagdinig ng senado ngayong araw si dating CIDG director at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Dalawang heinous crime convicts din na nakalaya dahil sa GCTA law ang inaasahang haharap sa pagdnig.

TAGS: Bureau of Corrections, Good Conduct Time Allowance, Veronica Buño, Yolanda Camilon, Bureau of Corrections, Good Conduct Time Allowance, Veronica Buño, Yolanda Camilon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.