Bagyong Nimfa napanatili ang lakas, mabagal pa ring kumikilos sa karagatan ng bansa
Mabagal na kumikilos sa karagatan ng bansa ang bagyong Nimfa.
Huling namataan ang bagyo sa layong 715 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.
Ayon sa PAGASA kumikilos ito ng mabagal sa direksyong West Northwest.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Ngayong araw hanggang bukas ng umaga ay makararanas ng madalas na mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at mga lalawigan ng Cagayan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.
Paminsan-minsan na mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar lalo na ang mga naninirahan sa low lying areas ay pinag-iingat sa posibleng pagbaha.
Sa Sabado ng umaga ay maaring lumabas na ng bansa ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.