David Beckham darating sa bansa sa susunod na buwan

By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2019 - 11:15 AM

Darating sa Pilipinas si dating professional English football player, David Beckham.

Kinumpirma ito ng kumpanyang AIA Philam Life kung saan nagsisilbing Global Ambassador si Beckham.

Ayon kay Philam Life Chief Marketing Officer Leo Tan, si Beckham ay lalahok sa AIA Philam Life Live Better Expo na isang wellness and protection summit na gaganapin sa Oct. 13 sa Enderun Tent sa Taguig City.

Ang Expo ay susundan ng football clinic na pangungunahan ni Beckham at ni Philam Life 7s Football League Commissioner Anton Del Rosario.

Ayon sa kumpanya, para sa mga intersado sa gaganaping Football Clinic ay maaring bisitahin ang kanilang Facebook page para sa dagdag na impormasyon.

TAGS: AIA Philam Life, AIA Philam Life Live Better Expo, BUsiness, david beckham, Football Clinic, AIA Philam Life, AIA Philam Life Live Better Expo, BUsiness, david beckham, Football Clinic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]