LOOK: 75 baby sea turtle pinakawalan sa karagatan sa Zamboanga Del Norte
Aabot sa 75 mga bagong silang na hawksbill sea turtle ang pinakawalan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa karagatan ng Baliguian, Zamboanga Del Norte.
Ang nasabing mga baby hawksbill ay mula sa nesting turtle na natagpuan ng mga residente sa Barangay Alergria noong July 23.
Agad pinalibutan ng bamboo fence ang nestling site para maproteksyunan ang mga itlog.
Ang pagpapakawala sa mga baby sea turtle ay pinangunahan ng CENR Office sa Siocon.
Nagpasalamat naman si DENR Officer Nelson Velasco sa mga residente sa Barangay Alegria sa kanilang kooperasyon.
Ang Hawksbill Turtle ay nasa ilalim na ng “Critically Endangered” category ng International Union for Conservation of Nature (IUCN).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.