Pangulong Duterte muling bibisita sa Russia

Sa ikalawang pagkakataon ay bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa susunod na buwan.

Ayon sa Malakanyang, makikipagkita si Pangulong Duterte kay Russian President Vladimir Putin para pag-usapan ang pagpapalakas pa ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

Sa unang linggo ng Oktubre ang alis ng pangulo na kaniyang ikalawang pagbisita na sa Moscow.

Noong May 2017 ay magugunitang napaiksi ang Russia trip ng pangulo at kinailangan niyang umuwi agad dahil sa pagsiklab ng kaguluhan sa Marawi City.

Sa kaniyang naging pahayag noon ay tinawag ni Pangulong Duterte na “favorite hero” niya si Putin.

Read more...