Courage World Tour ni Celine Dion nagsimula na

By Jimmy Tamayo September 19, 2019 - 09:15 AM

Nagpatikim ang Canadian singer na si Celine Dion ng bago niyang kanta para sa ilalabas na bagong album.

Sa kanyang Instagram nag-post ang singer ng teaser para sa tatlong bagong kanta sa album na may pamagat na “Courage.”

Ginawa ito ni Dion kasabay ng pagsisimula ng kanyang Courage World Tour sa Quebec City.

Kinabibilangan ito ng kantang “Imperfections,” “Lying Down” at ang title track na “Courage.”

Ang “Courage” na unang album ni Dion makalipas ang anim na taon ay nakatakdang ilabas sa November 16.

Nauna nang inilabas ang bagong kanta ng singer na “Flying on My Own.”

Mula sa Quebec, magtutungo ang Courage World Tour ni Dion sa Montreal at sa U.S. sa October 18 at sa ibang panig ng mundo na tatagal hanggang sa April 2020.

TAGS: canadian singer, courage, Courage World Tour, canadian singer, courage, Courage World Tour

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.