Lalaking kalalaya lamang ng bilangguan patay sa pananambang sa Iloilo City

By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2019 - 08:28 AM

Nasawi ang isang lalaki na bagong laya sa bilangguan makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Iloilo City.

Ang biktima na si Roy Goco ay tinambangan sa Barangay Lapuz Sur apat na araw matapos siyang makalaya sa bilangguan.

Nakuhanan pa sa CCTV ang biktima habang sakay ng kaniyang bisikleta at sundan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Nadala pa sa ospital si Goco pero binawian din ng buhay.

Ang biktima ay dati nang nasangkot sa mga kasong robbery at theft.

TAGS: ambush, iloilo city, Robbery, theft, ambush, iloilo city, Robbery, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.