Oil refinery attacks kagagawan ng Iran ayon sa Saudi Arabia

By Rhommel Balasbas September 19, 2019 - 05:44 AM

Walang kaduda-dudang galing sa Iran ang mga drones at cruise missiles na umatake sa oil facilities sa Saudi Arabia ayon sa defence ministry ng bansa.

Sa pulong balitaan araw ng Miyerkules, iprinesenta ang debris sa pag-atake.

Ayon kay Defense ministry spokesperson Colonel Turki al-Malki, batay sa mga nakuhang wreckage, hindi maikakaila na mula ito sa Iran at hindi sa Yemen tulad ng inaako ng Iran-aligned Houthi rebels.

Ayon kay Al Malki, kabuuang 18 drones at pitong missiles ang inilunsad kabilang ang tinatawag na Iranian Delta Wing UAV (unmanned aerial vehicle).

Patuloy namang inaalam ng Saudi Arabia kung saan ang eksaktong launch point.

Samantala, kaugnay ng Saudi Arabia oil attacks, sinabi ni US President Donald Trump na mag-aanunsyo ang kanyang administrasyon ng sanctions laban sa Iran sa loob ng 48 oras.

Binabantayan anya ng US ang sitwasyon sa Middle East.

Pinabulaanan naman ng Iran ang mga akusasyon ng Saudi Arabia.

Nagbabala rin ang Iran sa US ng ‘immediate retaliation’ igigiit na sila ang nasa likod ng pag-atake.

TAGS: Iran, oil refinery attack, saudi arabia, Iran, oil refinery attack, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.