outbrain

PMA cadet patay sa cardiac arrest

By Rhommel Balasbas September 19, 2019 - 04:55 AM SHARE(S):

Nasawi dahil sa cardiac arrest secondary to hemorrhage ang isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City, araw ng Miyerkules.

Ayon sa inisyal na impormasyon, nakilala ang biktima na si Darwin Dormitorio, 20 anyos, mula sa Cagayan de Oro City.

Umiinda umano ng pananakit ng tiyan at nagsusuka si Dormitorio habang nasa barracks sa Fort del Pilar.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit kalaunan ay namatay din.

Patuloy ang imbestigasyon ng PMA sa insidente.

Tiniyak naman ng PMA na ang pangkalahatang kalusugan ng bawat kadete ay ikinokonsidera sa bawat aspeto ng kanilang pag-aaral at pagsasanay.

 

TAGS: baguio city, Cadet, cardiac arrest, nagsuka, patay, PMA, sumakit ang tiyan, baguio city, Cadet, cardiac arrest, nagsuka, patay, PMA, sumakit ang tiyan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.