Comelec: Voter registration applications lampas na sa 2 milyon
Umabot na sa higit dalawang milyon ang nagparehistro sa Commission on Elections (Comelec) para makaboto sa 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon sa datos mula sa Election and Barangay Affairs Department (EBAD), nakatanggap na ang Comelec ng kabuuang 2,013,105 aplikasyon hanggang noong September 7.
Pinakamarami ang aplikasyon para sa Barangay elections o edad 18 pataas na may 1,537,616, habang 475,489 naman ang aplikasyon mula sa mga kabataan edad 15 hanggang 17.
Pinakamataas sa ngayon ang turnout ng voter registration sa CALABARZON na may 262,510.
Magtatapos ang voter registration period sa September 30.
Maaaring magparehistro sa Comelec offices sa buong bansa mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays.
May isinasagawa ring satellite registration sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.