Heinous crime convicts na napalaya dahil sa GCTA may hanggang ngayong araw na lang para sumuko

By Rhommel Balasbas September 19, 2019 - 03:55 AM

Ngayong araw na mapapaso ang 15 araw na ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagsuko ng mga heinous crime convicts na napalaya dahil sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sa isang panayam araw ng Miyerkules, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na sakaling mabigo ang mga convict na sumuko, ituturing na silang pugante.

Inaasahan naman anya na marami pa ang susuko ngayong araw lalo’t huling araw na ng deadline na itinakda ng pangulo.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Sonny del Rosario, batay sa pinakahuling tala, 964 na ng kabuuang 1,914 heinous crime convicts ang sumuko.

Apatnaraan at tatlumpu’t dalawa ang naibalik na sa national penitentiary sa Muntinlupa habang ang iba ay nakadetine sa jail facilities sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

May alok na P1 milyong pusong pabuya si Duterte sa mga makakahuli buhay man o patay sa mga heinous crime convicts na bigong sumuko sa kanyang deadline.

 

TAGS: convicts, deadline, GCTA, heinous crime, Justice Sec. Menardo Guevarra, napalaya, ngayong araw, P1 milyong pabuya, pugante, sumuko, ultimatum, convicts, deadline, GCTA, heinous crime, Justice Sec. Menardo Guevarra, napalaya, ngayong araw, P1 milyong pabuya, pugante, sumuko, ultimatum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.