Kris Aquino naghahanap ng FB friend requests mula sa mga single na lalaki

Kris Aquino IG

Dahil bago pa lang ang kayang personal Facebook account, nais ni Kris Aquino na lumawak ang kanyang listahan ng mga friends.

Kasabay ng cooking video kasama ang komedyanteng si Empoy, inihayag ni Kris na kakagagawa niya lamang ng kanyang personal FB account.

Ayon sa actress-host, wala pang sampu ang kanyang FB friends sa ngayon kaya nais niya itong madagdagan.

Dahil dito ay plano ni Kris na tanggapin ang friend requests ng mga single na lalaki.

Partikular na nais maging FB friends ni Kris ang single men na nasa pagitan ng edad 41 at 45 anyos.

Maaari anyang biyudo, diborsyado, legally separated o annulled na ang kasal ng lalaking kanyang magiging FB friend.

Ayon pa sa aktres, okay sa dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby na maging FB friend niya ang isang piloto na ang biyahe ay international flights.

Read more...