Curry maglalaro para sa US sa 2020 Tokyo Olympics
Inihayag ni Golden State Warriors star Stephen Curry ang plano nitong maglaro para sa Estados Unidos sa pagsabak ng bansa sa Tokyo Olympics.
Sa panayam sa ESPN, sinabi ni Curry na tiyak na ang naturang plano sa susunod na taon.
Ayon kay Curry, talagang gusto niyang maglaro sa Olympics dahil wala pa siyang nasalihang anumang koponan na sumabak sa naturang international tournament.
Bagamat naglaro na sa dalawang teams na nakakuha ng gold medal sa World Cup championships, iba pa rin anya ang karanasan kapag sa Olympics.
Tiniyak ng three-time NBA champion at two-time MVP na “best team” pa rin ang US kahit nagtapos lang ang bansa sa ika-pitong pwesto sa FIBA World Cup sa China.
Bukod kay Curry, target din na makasama sa US line-up ang iba pang NBA stars gaya nina Lebron James, James Harden, Kawhi Leonard, Russel Westbrook, Anthony Davis at Paul George.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.