Lalaking nasa drug watchlist arestado sa Rizal

Arestado ang isang lalaki na nasa drugs watchlist sa buy bust operation sa East Bank Road sa Cainta, Rizal Huwebes ng madaling araw.

Sa operasyon ng Cainta Police kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakuhanan ang suspek ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P700,000.

Ang droga ay nakalagay sa 13 malalaking sachet.

Ayon sa otoridad, tubong Marawi City ang lalaking suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...