Higit 50 dayuhan nailigtas sa prostitution den sa Parañaque; 11 suspek arestado

By Len Montaño September 19, 2019 - 04:00 AM

PIO NCRPO photo

(UPDATE) Nailigtas ang 53 dayuhan sa isang umanoy prostitution den na nasa tatlong palapag na condominium sa Roxas Boulevard sa Parañaque City Huwebes ng madaling araw.

Naaresto naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Special Unit ang 11 na suspek kabilang ang isang Pilipino at mga Chinese na nagsisilbing cleaning assistants, cashiers at manager.

PIO NCRPO photo

Ang mga nailigtas ay pawang mga Chinese sex workers at karamihan sa mga parokyano ng prostitution den ay mga Chinese nationals din.

Ayon kay NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar, ang pagkasagip sa mga dayuhan ay kasunod ng unang nailigtas mula sa lugar na nasa buwan pa lamang ang panahon ng operasyon.

Nabatid na nasa pagitan ng P9,000 at P21,000 ang bayad sa mga dayuhang sex workers.

Nahaharap naman sa reklamo ang nasa 20 parokyano na naaktuhan sa prostitution den nang isagawa ng raid.

Samantala, walang business at occupancy permits ang establisyimento kaya posibleng kasuhan ang may-ari ng gusali.

PIO NCRPO photo

TAGS: 11 arestado, Chinese Nationals, condominium, higit 50 dayuhan, Major General Guillermo Eleazar, nailigtas, NCRPO, Paranaque, parokyano, prostitution den, roxas boulevard, sex workers, walang permit, 11 arestado, Chinese Nationals, condominium, higit 50 dayuhan, Major General Guillermo Eleazar, nailigtas, NCRPO, Paranaque, parokyano, prostitution den, roxas boulevard, sex workers, walang permit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.