CHR kinondena ang pagpatay sa transgender woman sa Pangasinan

By Angellic Jordan September 19, 2019 - 01:06 AM

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpaslang sa isang transgender woman sa Bolinao, Pangasinan noong araw ng Martes, September 17.

Natagpuang patay ang biktimang si Jestoni Remiendo, bente-nuwebe anyos, sa isang resort sa Barangay Patar, Martes ng umaga.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia na hindi pa rin alam ang motibo sa likod ng karumal-dumal na pagpatay sa biktima.

Dahil dito, hinikayat ng CHR ang pulisya na tiyaking mabibigyan ng hustisya ang pagkasawi ng biktima.

Sinabi ni de Guia na walang sinuman ang nararapat na makaranas ng pamamaslang kasapi man o hindi ng LGBTQIA+ community.

Dagdag pa nito, ang insidente ay nagsisilbing paalala na kailangang ituloy ang pagrespeto sa rule of law at dignidad ng sinuman anuman ang kasarian, kulay at iba pa.

Lahat aniya ng tao ay may pantay-pantay na karapatan.

 

TAGS: Atty. Jacqueline Ann De Guia, CHR, Jestoni Remiendo, kinondena, LGBTQIA+ community, pagpatay, pangasinan, resort, rule of law, Transgender Woman, Atty. Jacqueline Ann De Guia, CHR, Jestoni Remiendo, kinondena, LGBTQIA+ community, pagpatay, pangasinan, resort, rule of law, Transgender Woman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.