Binay pinatatahimik ng Malacañang sa pagturo kay Roxas bilang biggest spender sa media ads

By Alvin Barcelona January 06, 2016 - 05:02 PM

Binay-Roxas
Inquirer file photo

Pinatitigil na ng Malacañang si Vice President Jejomar Binay sa pagtuturo sa kung sino sa mga Presidentiables ang pinakamalakas gumastos kahit hindi pa ganap na nagsisimula ang panahon ng pangangampanya.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa akusasyon ng kampo ni Binay na si administration standard bearer Mar Roxas ang tunay na biggest campaign spender at hindi sila tulad ng lumabas sa report ng Nielsen Philippines.

Ayon sa kampo ni Binay, umaabot na umano sa P700 Million ang nagagastos ni Roxas sa kanyang maagang pangangampanya.

Pero ayon kay Lacierda, kung may problema si Binay sa nasabing report ay marapat lamang na pasagutin nito ang Nielsen na siyang naglabas ng nasabing ulat at hindi sila.

Ang mahirap aniya kay Binay ay masyado itong defensive sa naging findings ng Nielsen.

Ang payo ni Lacierda kay Binay, kung ito talaga ang biggest campaign spender ay aminin nito at kung hindi naman ay huwag itong magtuturo ng kung sinu-sino.

Nananatili namang tahimik si Roxas sa nasabing isyu.

TAGS: 2016, binay, lacierda, Nielsen, roxas, 2016, binay, lacierda, Nielsen, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.