Rapper na si ‘Loonie’, 4 na kasamahan arestado sa buy-bust operation sa Makati

By Rhommel Balasbas September 18, 2019 - 11:06 PM

Makati Police photo

(FOLLOW-UP) Timbog ang kilalang rapper na si ‘Loonie’ at apat pa niyang kasamahan sa buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Makati City, alas-8:45 Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Makati City Police chief Col. Rogelio Simon, isinagawa ang anti-drug operation laban kay Loonie o Marlon Peroramas sa totoong buhay sa basement ng isang condominium sa Polarie Street.

Nakilala ang apat na kasamahan ng rapper na sina David Rizon, Ivan Agustin, Albert Alvarez at Idyll Liza Diaz.

Makati Police photo

Nakuha kay Loonie at sa kanyang mga kasamahan ang 15 pakete ng kush o high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P100,000, cellphone at marked money.

Inilagay umano ang mga marijuana sa isang box ng cellphone.

Samantala, sa panayam ng reporters iginiit ni Loonie na hindi totoo ang lahat ng paratang laban sa kanya at hindi sa kanila ang nakuhang mga marijuana.

Ayon sa rapper, pumunta sila sa condo para bumisita sa isang batang may cancer.

 

 

 

 

TAGS: 4 na kasama, arestado, buy bust, high grade, hindi totoo, Kush, Loonie, Makati, Marijuana, rapper, 4 na kasama, arestado, buy bust, high grade, hindi totoo, Kush, Loonie, Makati, Marijuana, rapper

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.