Indian national sugatan sa pamamaril sa CamSur

By Angellic Jordan September 18, 2019 - 10:52 PM

Sugatan ang isang Indian national makaraang pagbabarilin sa Pili, Camarines Sur Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Police Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, nakasakay sa motorsiklo ang biktimang si Ranjeet Sidhu nang biglang barilin sa Diverson Road sa bahagi ng Barangay Anayan bandang alas nuwebe kwarenta y singko ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa kaniyang dibdib.

Agad namang naisugod si Sidhu sa Mother Seton Hospital sa Naga City.

Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang responsable sa pamamaril.

Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang motibo sa likod ng krimen.

 

TAGS: camarines sur, indian national, Pamamaril, pili, Police Maj. Maria Luisa Calubaquib, sugatan, camarines sur, indian national, Pamamaril, pili, Police Maj. Maria Luisa Calubaquib, sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.