Panukala upang amyendahan ang GCTA inihain sa Kamara

By Erwin Aguilon September 18, 2019 - 08:46 PM

Sa gitna ng kontrobersiya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law, Inihain na sa Kamara ang mga panukalang batas na mag aamyenda sa GCTA.

Ayon kay Leyte Rep. Vicente Veloso III, layon ng House Bill 4628 na amyendahan ang Republic Act No. 1592
o ang GCTA law.

Bukod dito inihain din ni Veloso ang bukod na House Bill 4553 na nairefer na sa House Committee on Revision of Laws , na naglilimita lang sa 40 taon maximum period na pagkakakulong ng isang preso kahit na nahatulan siya ng ilang bilang ng life imprisonment .

Ang dalawang panukala ay inaasahang mag aayos sa mga kapalpakan sa pagbibigay ng GCTA na magreresulta sana sa pagpapalaya kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, na nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo dahil sa kasong rape at double murder.

Sa ilalim ng House Bill 4628 ni Veloso tatapyasan nito ang pagiging “generous” sa application ng GCTA kung saan sa ilalim nito ay bibigyan ng maximum GCTA ang isang convict ng 20 araw kada isang buwan ng pagkakakulong matapos makapagsilbi ng 11 o higit pa taon ang isang preso.

Samantalang sa ilalim ng RA 10592, napuna ng kongresista na libera sa pagbibigay ng maximum na 30 araw kada buwan ng pagkakakulong sa loob ng 11 taon o higit pa.

Sa ilalim ng panukala ni Veloso, ang minimum GCTA ay limang araw ang ibabawas kada sentensya ng isang convict na nakakulong na ng atleast 2 years.

Naniwala din siya na ang 20-araw na GCTA ay tutugunan ang legal na kontrobersiya sa computation na nabigyan nito para sa buwan ng Pebrero na may 28-araw.

TAGS: Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law., House Bill 4553, House Bill 4628, House Committee on Revision of Laws, Leyte Rep. Vicente Veloso III, Republic Act No. 1592 o ang GCTA law., Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law., House Bill 4553, House Bill 4628, House Committee on Revision of Laws, Leyte Rep. Vicente Veloso III, Republic Act No. 1592 o ang GCTA law.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.