Bintana ng LRT-1 nabasag, 2 sugatan

By Noel Talacay September 18, 2019 - 08:25 PM

Sugatan ang dalawang pasahero ng LRT-1 matapos mabasag ang salamin ng bintana nito habang binabaybay ang kahabaan ng UN Avenue, bandang ala-1:50, Miyerkules ng hapon, September 18.

Ayon kay Sweeden Ramirez, tagapagsalita ng LRT-1, isang pasahero ang nagpumilit na buksan ang bintana ng tren hanggang mabasag ito dahil mainit daw sa loob ng tren.

Sinabi naman ni Ramirez na itinurn-over na nila ang pasaherong nagbukas ng bintana ng tren sa mga pulis ng Maynila.

Agad naman anya binigyan ng lunas ng Philippine Red Cross ang dalawang sugatan na pasahero na isang babae at isang lalaki na nagtamo ng sugat sa binti at braso.

Pahayag naman ni Ramirez na hindi naapektohan ang operasyon ng LRT-1 dahil sa insidente at tuloy tuloy ang biyahe ng mga tren.

TAGS: lrt 1, nabasag ang bintana, Philippine red Cross, Sweeden Ramirez, UN Avenue, lrt 1, nabasag ang bintana, Philippine red Cross, Sweeden Ramirez, UN Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.