Same-sex marriage bill, balak ihain sa Kamara

June 29, 2015 - 01:11 PM

mj
kuha ni MJ Cayabyab, Inquirer.net

Pag-aaralan na ng Gabriela Partylist ang posibilidad na paghahain ng panukalang batas para sa legalisasyon ng same-sex marriage sa Pilipinas.

Ito ay kasunod na rin ng ruling ng Supreme Court ng Amerika na nagdedeklarang legal ang same-sex unions sa limampung estado nito.

Sinabi ni Gabriela Partylist Rep. Luz Ilagan, aalamin nila kung kakayanin pang mailaban ang panukalang same-sex marriages, hindi lamang sa kongreso kundi sa buong bansa.

Inamin ni Ilagan na mabigat ang nasabing usapin, lalo’t ang Pilipinas ay kilala bilang Katolikong bansa na naniniwalang ang kasal ay sa pagitan lamang ng lalaki at babae.

Inihalimbawa ni Ilagan ang panukalang batas nila sa diborsyo na naging mapait ang pagtanggap ng kongreso at publiko.

Bagama’t mismong si Pope Francis na ang nagsabi na pwedeng payagan ang paghihiwalay ng mag-asawa kung ito ay isa nang moral necessity, nasa kamay pa rin daw ng mga mambabatas sa bansa kung isasalegal ang diborsyo.

Nakiusap naman si Ilagan sa lahat, mula sa mga mambabatas hanggang sa mga mamamayan na maging bukas ang isipan sa same-sex marriages at diborsyo.

Samantala, sa Senado, tinutulan ni Senate Minority leader Tito Sotto ang mga panawagang gawing legal ang same-sex marriage sa Pilipinas.

Ayon kay Sotto, labag sa saligang batas ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian.

Kung gagayahin man aniya ng Pilipinas ang Amerika o ibang bansa na ginawa nang ligal ang same-sex marriage, dapat gawin na ring ligal ang parusang kamatayan.

Bagaman pro-life, isa si Sotto sa mga aktibong nagsusulong sa death penalty law sa bansa./ Isa Avendaño-Umali, may ulat mula kay Chona Yu

TAGS: gabriela, Radyo Inquirer, same saex marriage, gabriela, Radyo Inquirer, same saex marriage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.