PCG personnel hinatulang guilty sa pagkamatay ng isang Taiwanese poacher

By Den Macaranas September 18, 2019 - 04:20 PM

Inquirer file photo

Naghayag ng kalungkutan ang liderato ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang hatulang guilty ang ilan sa kanilang mga tauhan na nakapatay sa isang Taiwanese kamakailan.

Kanina ay walong PCG personnel ang hinatulan sa kasong homicide sa pagkamatan ng isang Taiwanese fisherman na kanilang sinita sa Batanes island noong 2013.

“On the part of our personnel, malungkot ito…Naniniwala kami that they just did their duty defending our territorial integrity,” Ayon sa pahayag ni PCG Spokesman Armand Balilo.

Sinabi naman ni Atty. Rodrigo Moreno, abogado ng mga akusadong PCG personnel na hindi dapat kalimutan ng publiko kung bakit napatay Taiwanese na si Hong Yu Tzu.

Rumesponde umano ang mga PCG personnel dahil sa poaching activities ng grupo ng biktima.

Nauna nang sinabi ng PCG na dumepensa lamang ang kanilang hanay kaya nauwi sa pamamaril ang nasabing komprontasyon.

Ipinaliwanag naman ni Moreno na maghahain sila ng apela sa Court of Appeals kaugnay sa nasabing kaso.

TAGS: Armand Balilo, manila rtc, philippine coast guard, poacher, Armand Balilo, manila rtc, philippine coast guard, poacher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.