Mga balik-Bilibid na napalaya dahil sa GCTA umabot na sa halos ay 1,000

By Angellic Jordan September 18, 2019 - 03:26 PM

Inquirer file photo

Nadagdagan pa ang bilang ng mga sumukong convict na na nauna nang pinalaya dahil sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito ay isang araw bago matapos ang ibinigay na labing-limang araw na ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga convict para sumuko sa mga otoridad.

Sa huling tala ng Bureau of Corrections hanggang Miyerkules ng umaga, umabot na sa kabuuang bilang na 964 na convict ang sumuko.

Nasa 432 sa nasabing bilang ay nailipat na sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Maagang napalaya ang halos dalawang libong convict na sangkot sa heinous crimes sa bisa ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Matatandaang sinabi ng pangulo na maikokonsiderang pugante ang mga nasabing convict na hindi sumuko sa loob ng ipinatupad na deadline.

TAGS: Bilibid, duterte, GCTA, NBP, Bilibid, duterte, GCTA, NBP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.