Nilinaw ni Petron Corporation Chairman at CEO Ramon Ang na hindi makaka-apekto sa presyo ng petrolyo sa bansa ang naganap na drone attacks sa pasilidad ng Saudi Aramco noong nakalipas na linggo.
Ipinaliwanag ni Ang na sapat ang buffer supply ng petroleum sa bansa.
Ayon kay Ang tatagal ng 30 araw ang imbak na petrolyo ng mga oil companies tulad ng Petron.
Si Ang dumalo sa concession agreement signing para sa New Manila International Airport sa Clark, Pampanga.
Naniniwala rin ang negosyante na hindi magtatagal ang tensyon na nagaganap ngayon sa Saudi Arabia.
Dahil sa drone attack ay bumaba sa 5.7 million barrels per day ang produksyon ng Saudi kung saan ay halos limang porsiento ang naibawas sa global oil supply.
Para matiyak na sapat ang suplay ng produktomg petrolyop sa bansa ay nagsagawa ng emergency meeting ang mga opisyal ng Electric Power Industry Management Bureau, Oil Industry Management Bureau, the National Electrification Administration (NEA), the National Power Corporation (NPC), Philippine National Oil Company (PNOC), at PNOC-Exploration Committee.
Inako ng Iran-aligned Houthi group ang ginawang drone attack sa pasilidad ng Saudi Aramco.