Mga pulis na nagre-recycle ng iligal na droga ipinahahabol ni Rep. Biazon sa PDEA

By Erwin Aguilon September 18, 2019 - 01:48 PM

INQUIRER PHOTO/EDWIN BACASMAS

Hinamon ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na habulin ang mga pulis
na nagre-recyle ng ilegal na droga.

Sinabi ni Biazon, Matagal nang tsismis ang tungkol sa pagre-recycle ng nasasamsam na ilegal na droga ng mga tiwaling
pulis.

Ang tanong ngayon ayon sa mambabatas ay kung gaano kalawak ang recycling at kung hanggang saan o gaano kataas
ang sangkot na mga tauhan ng Philippine National Police.

Naniniwala naman ang kongresista na ang PDEA pa rin nasa posisyon para buwagin ang drug trafficking sa loob ng PNP.

Mandato anya ito ng ahensya at siya ring may kapangyarihan na habulin at papanagutin ang tinaguriang ninja cops na
nangungupit ng nakukumpiskang ilegal na droga para muling ibenta.

TAGS: drug trafficking sa loob ng PNP., Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, PDEA, recycle of drugs, drug trafficking sa loob ng PNP., Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, PDEA, recycle of drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.