“The Panti Sisters” kumita na ng P60M sa loob ng 3-araw sa mga sinehan

Certified box office hit ang pelikulang “The Panti Sisters” na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Kinumpirma mismo ni Liza Diño-Seguerre, chairperson ng Film Development Council of the Philippines na ang nasabing pelikula na pinangungunahan nina Paolo Pallesteros, Christian Bables AT Martin del Rosario ang nangunguna sa PPP.

Sa Twitter account ng Blacksheep Entertainment inihayag nito na P61.8M na ang kinita ng “The Panti Sisters” sa loob ng tatlong araw.

Nagpasalamat naman si Diño sa mga tumangkilik sa PPP na ayon sa kanya ay may kabuuang kita na aabot sa P60M base sa 2-day gross ng filmfest.

Read more...