Trailer ng bagong teleserye ni Judy Ann Santos na “Starla” inilabas na
Matapos ang ilang taong pagkaantala, tuloy na tuloy na ang pagbabalik sa telebisyon ng tinaguriang teleserye queen na si Judy Ann Santos.
Inilabas na ang trailer ng bagong teleserye ni Juday na “Starla” na napanood sa Coco Martin series na “FPJ’s Ang Probinsyano” Martes ng gabi.
Ang Starla ay sa ilalim ng Dreamscape Entertainment na siya ring nasa likod ng nasabing teleserye ni Martin.
Kasama ni Juday sa serye sina Raymart Santiago, Joem Bascon, Joel Torre, Tirso Cruz III at si Ms. Charo Santos.
Huling napanood si Santos sa teleseryeng “Huwag Ka Lang Mawawala” noong 2013.
Kamakailan ay nag-guest siya sa “Ang Probinsyano.”
Ang Starla ay mapapanood na simula sa Oktubre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.