LPA sa Tarlac at Bagyong Nimfa maaring magsama sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 11:41 AM

Magsasanib sa susunod na 48 oras ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa Tarlac at ang bagyong Nimfa.

Sa weather bulletin ng PAGASA ang tropical depression Nimfa ay huling namataan sa 685 kilometers East ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras at halos hindi kumikilos.

Dahil sa sa buntot ng bagyo ngayong araw hanggang bukas ng umaga ay makararanas ng madalas na katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Romblon, northern portions ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Antique, Iloilo at Guimaras.

Paminsan-minsan namang katamtaman hanggang malakas na ulan ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON, Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, at nalalabing bahagi ng Central Luzon at MIMAROPA.

Habang kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms ang iiral nalalabing bahagi ng Luzon at sa Western Visayas.

Samantala ang binabantayang LPA ng PAGASA ay huling namataan sa bisinidad ng Mayantoc, Tarlac.

Ayon sa PAGASA ang LPA ay inaasahang aanim sa buntod ng bagyong Nimfa sa susunod na 48 oras.

Sa Sabado pa inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

TAGS: low pressure area, Nimfa, Pagasa, Tropical Depression, weather, low pressure area, Nimfa, Pagasa, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.