Fuel tax exemption ikukunsidera kaugnay sa Saudi refinery attack – DOE

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na may mga ilalatag silang contigency measures sakaling maging matindi ang epekto sa suplay ng langis sa bansa ng nangyaring drone attack sa isang oil facility sa Saudi Arabia.

Kabilang sa pinaghahandaan ay ang posibleng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nabanggit ng kalihim na maari din suspindihin ang paniningil ng excise tax sa mga produktong petrolyo para hindi sumirit ng husto ang mga presyo.

Paliwanag ni Cusi kapag umabot sa $80 per barrel ang halaga ng langis sa tatlong magkasunod na buwan maari nang ikunsidera ang excise tax exemption.

Noong nakaraang araw ng Linggo, nagpatawag ng emergency meeting si Cusi sa kagawaran para pag usapan ang insidene sa mga pasilidad ng Aramco.

Aniya nakatutok sila sa sitwasyon para ganap na mapaghandaan ang anuman magiging epekto sa suplay ng langis sa bansa ng insidente.

Higit 30 porsiyento ng suplay ng langis sa bansa ang magmumula sa Saudi Arabia.

Read more...