Pahayag ni Pangulong Duterte na ipina-ambush niya si Loot, isinisi ng Malakanyang sa hindi maayos na pagta-tagalog ng presidente

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 11:28 AM

Ang hindi maayos na pagta-tagalog ni Pangulong Rodrigo Duterte ang itinuturong dahilan ng Malakanyang hinggil sa naging pahayag ng presidente Martes ng gabi na ipina-ambush niya si dating Daanbantayan Mayor Vicente Loot.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pahayag ng pangulo ay hindi pag-amin na sangkot siya sa tangkang pagpatay kay Loot.

Ani Panelo, “language mix up” lamang ang nangyari, lalo at alam naman ng lahat na hirap managalog ang pangulo.

Bisaya aniya ang pangulo at hindi maayos magsalita ng Filipino.

Ang pakahulugan aniya ni Pangulong Duterte sa kaniyang sinabi ay “Inambush ka na, buhay ka pa”.

Dati na aniyang sinasabi ito ng pangulo sa kaniyang nagdaang mga speech lalo na kapag napapag-usapan si Loot.

May 2018 nang makaligtas sa pananambang si Loot at kaniyang pamilya.

TAGS: ambush, language mix up, loot, president duterte, Salvador Panelo, Vicente Loot, ambush, language mix up, loot, president duterte, Salvador Panelo, Vicente Loot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.