Magkapatid na anak ng jail warden sa Misamis, arestado sa buy-bust sa CDO

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 11:17 AM

Arestado ang dalawang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro City.

Ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Regional Office 10 at Misamis Oriental Provincial Office ang operasyon sa Gumamela Extension, Brgy. Carmen alas 5:30 ng umaga ng Miyerkules, Sept. 18.

Nadakip sa operasyon ang dalawang suspek na sina Gregor Tagarda alyas Greg at Bonclinton Tagarda alyas Tonton.

Ayon kay PDEA Region 10 Dir. Wilkins Villanueva, ang magkapatid na Tagarda ay anak ni Misamis Oriental Provincial Jail Warden Dominador Tagarda.

Nakumpiska mula kay Gregor ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P102,000 ang halaga.

Habang nakuha naman sa pag-iingat ni Bonclinton ang 5 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang P68,000 ang halaga.

Ayon kay Villanueva, ang mga naninirahan sa palibot ng bahay ng pamilya Tagarda ay alam ang illegal na gawain ng magkapatid.

Kasama din sila sa watchlist ng barangay kaya nagtataka si Villanueva na walang aksyon dito ang kanilang ama na naninilbihan sa gobyerno.

Nanawagan naman si Villanueva na magbitiw na sa pwesto bilang provincial jail warden ang nakatatandang Tagarda matapos ang insidente.

TAGS: buy bust, Cagayan De Oro City, PDEA, Region 10, buy bust, Cagayan De Oro City, PDEA, Region 10

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.