Panukalang magkaroon ng window hour sa coding ng mga PUVs tatalakayin ng MMC
Sa susunod na pagpupulong ay tatalakayin ng Metro Manila Council (MMC) ang panukalang i-lift ang number coding scheme sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasama nila sa agenda ng susunod na pulong ng MMC ang nasabing panukala.
Base sa panukala, magkakaroon ng window para sa coding scheme sa mga public transport kung saan papayagan silang makabiyahe kahit sila ay coding mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga.
Martes ng gabi nagkaroon ng pulong ang technical working group ng MMDA para sa panukalang provincial bus ban at sa inihihirit na emergency powers kay Pangulong Duterte upang maresolba ang problema sa traffic.
Ang MMC ay binubup ng Metro Manila mayors at ito ang tumatayong governing board at policy-making body ng MMDA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.