Total ban sa baboy at pork products galing Luzon ipinatupad sa Mandaue City

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 10:40 AM

Nagpatupad ng total ban ang city government ng Mandaue sa pagpasok ng hogs at pork products na galing sa Luzon.

Ito ay upang maiwasang makapasok sa lungsod ang African Swine Fever (ASF).

Inilabas ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes ang Executive Order No. 29 na nagpapatupad ng total ban sa mga buhay na baboy at sa mga pork product na magmumula sa lahat ng lalawigan sa Luzon.

Nakasaad din sa utos na pinagbabawalan ang mga restaurant at hotel sa Mandaue City sa pagbebenta ng mga tirang pagkain o “swill” para sa mga hog raiser upang maiwasan ang impeksyon.

Papayagan naman ang pagpasok ng baboy at pork products kung galing ito sa Visayas at Mindanao basta’t nakatugon sa lahat ng requirements gaya ng veterinary health certificate mula sa provincial veterinary office sa pinagmulang probinsya, shipping permit at livestock handlers permit.

TAGS: ban on live pigs, ban on pork products, Mandaue City, Radyo Inquirer, swine fever, ban on live pigs, ban on pork products, Mandaue City, Radyo Inquirer, swine fever

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.