Presidente ng ADB magbibitiw sa pwesto

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 10:16 AM

Magbibitiw sa pwesto ang presidente ng Asia Development Bank o ADB.

Sa susunod na taon nakatakdang bumaba sa pwesto si ADB President Takehiko Nakao.

Ayon kay Finance Minister Taro Aso, magno-nominate ang Tokyo ng magiging kandidato para sa papalit kay Nakao.

Sinabi ni Aso na sa ngayon ay plano ng Japanese Government na irekomenda si Masatsugu Asakawa na dating vice finance minister.

Siya kasi ang nakikitang pinaka-kwalipikado sa pwesto.

Si Nakao na edad 63 ay aalis sa pwesto sa january 16, 2020.

Nagsimula siyang manilbihan bilang presidente ng ADB noong 2013 kung saan binalitan niya si Haruhiko Kuroda na naging governor naman ng Bank of Japan.

TAGS: ADB President, Asia Development Bank, BUsiness, Takehiko Nakao, ADB President, Asia Development Bank, BUsiness, Takehiko Nakao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.